~snip~
Yung tungkol sa sa experience mo regarding may naglolog in sa account mo, hindi kaya delay lang yung dating ng email sayo? incase naman may nag aattemp palagay ko safe naman yan as long hindi mo binibigay ang password details mo, at safe yan palagay ko since nilagyan mo na ng 2fa.
Hindi ko pa naman na experienced tong ganitong issue sa binance ko pero nakakabahala yan. Siguro bantayan mo na lang mabuti ang account mo at katulad ng ginawa mo added security and 2FA at ang password na hindi basta nahuhulaan.
Hindi ko rin na experience ang delay ng email at text notification. Mabilis talaga ang dating nito sa tin.
Hindi ko talaga alam bakit ganun may mga attempted log-in akong narereceive sa email at mismong binance account ko. Hindi naman ako kabado sa account ko na ma-oopen since secured naman to ng 2fa pero nakakabahala lang talaga. May time pa nga na hindi ko masyado naoopen yung account ko like months kong natengga yung account ko tapos tuloy tuloy pa rin yung attempted log in base sa email na narereceive ko. Tapos nung inopen ko sya, pinagrequire ako mag KYC dahil na lock daw yung account ko.
Anyway, sobrang dalang na lang nung attempted log-in sakin ngayon like once every 1 to 2 months at palagi ko na rin inoopen para hindi ma-lock ulit.