Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: Axie Infinity Philippine Thread
by
serjent05
on 25/09/2022, 23:28:30 UTC
Parehas tayo, investor mode muna at silip silip nalang pero hindi na naglalaro, mas maganda alagaan mental health.  Wink
nakakastress na talaga mag laro ng Axie, parang ang hirap din manalo, bukod pa dyan sobrang liit nalang talaga ng binibigay. bagsak na nga ang presyo mababa pa ang reward talagang maiistress ka, yung friend ko napipilitan nalang talaga maglaro kasi until now dipa sya nakakabawi sa puhunan nya... pero nakikita ko sa mga post nya yung inis nya tuwing matatalo sa laro.
Yun lang hirap sa mga solo investor na walang ibang investment kundi axie, need nila mabawi yung puhunan nila. Sa akin, mga axie ng scholars ko di ko na ginagalaw at wala na rin naglalaro, antay nalang ako ulit tumaas floor price saka ako magbebenta ng mga axies ko para kahit papano may balik pa rin.

Ang sakit lang nito dun sa mga naginvest during the peak at hindi pa nakakabawi talaga.  Mas mabuti pa ngang bumili na lang ng token at least may demand kesa bumili ng axie dahil pahirapan ang pagbenta ng mga nft's.  Sana nga lang bumawi ang presyo ng mga axie para maibenta ko na rin mga natengga kong mga axie.

Kaya nga, ganyan lang talaga sa ngayon hindi naman laging mataas at hindi rin naman laging mababa.

Need lang talaga natin ng mahabang pasensiya pero ang problema natin ay hindi pasensiya kung hindi ang tanong na tataas pa kaya ang mga axie nfts.  Sa nakikita ko kasi napaka saturated na ng market.  Matanong ko lang sa mga updated, nagimplement ba sila ng burning ng NFT, wherein, need magabsorb or magsacrifice ng isang axie para maupgrade into a better stats ang isa pang axie?  Kung inimplement nila ito malamang magstart na magtataasan ang mga axie  sa market.