Need lang talaga natin ng mahabang pasensiya pero ang problema natin ay hindi pasensiya kung hindi ang tanong na tataas pa kaya ang mga axie nfts. Sa nakikita ko kasi napaka saturated na ng market. Matanong ko lang sa mga updated, nagimplement ba sila ng burning ng NFT, wherein, need magabsorb or magsacrifice ng isang axie para maupgrade into a better stats ang isa pang axie? Kung inimplement nila ito malamang magstart na magtataasan ang mga axie sa market.
Masusubok talaga kung gano tayo katatag mag hold dahil di talaga natin malalaman kung tataas pa ito at hindi, tsaka yung pinang hahawakan lang ng karamihan sa atin ay yung mga updates na nagaganap sa kanila kaya for sure sa ibang holders lalo na baguhan palang at naipit sobrang stressful ang pangyayaring to dahil for sure takot ang kanilang nararamdaman dahil ubos pati pan tubos pera nila sa pag invest ng axie lalo na nung kasagsagan na malakas pa ito at sobrang mahal sila nakabili per team or bawat isang axie nila.
Wala naman na talagang magagawa kundi habaan ang pasensya kung umaasa ka pa na tataas pa ang presyo ng assets mo, axie or slp parehong hindi pa rin nakakabawi lalo na dun sa mga nakapag invest sa panahon ng kasagsagan ng paglipad ng presyo, ung mga nauna medyo kalmado na kasi tubo na lang ung naiipit kadalasan sa kanila pero ung mga naengganyong mag invest at maglaro sa panahong napakataas ng presyo sigurado sila yung mga talagang pikit matang nag aantay ng pagtaas.
Umaasa na lang sa mga balitang magpapaganda ng momentum ng presyo pero sa ngayin talagng ipit at kung gusto mo magbakasakali eh need mo pa magdagdag ng investment para makapalag yung account mo.