Need lang talaga natin ng mahabang pasensiya pero ang problema natin ay hindi pasensiya kung hindi ang tanong na tataas pa kaya ang mga axie nfts. Sa nakikita ko kasi napaka saturated na ng market. Matanong ko lang sa mga updated, nagimplement ba sila ng burning ng NFT, wherein, need magabsorb or magsacrifice ng isang axie para maupgrade into a better stats ang isa pang axie? Kung inimplement nila ito malamang magstart na magtataasan ang mga axie sa market.
Masusubok talaga kung gano tayo katatag mag hold dahil di talaga natin malalaman kung tataas pa ito at hindi, tsaka yung pinang hahawakan lang ng karamihan sa atin ay yung mga updates na nagaganap sa kanila kaya for sure sa ibang holders lalo na baguhan palang at naipit sobrang stressful ang pangyayaring to dahil for sure takot ang kanilang nararamdaman dahil ubos pati pan tubos pera nila sa pag invest ng axie lalo na nung kasagsagan na malakas pa ito at sobrang mahal sila nakabili per team or bawat isang axie nila.
Subukan talaga ng pasensya dahil isa rin ako sa mga nag-invest ng malaki sa Axie Infinity noong kataasan pa ng hype ng laro.
Hindi ko pa nakuha ung ROI ko hanggang ngayon pero hindi ako nasstress dahil sariling pera ko naman un at mga profits ko lang yun sa mga nauna kong investment. Mas nasstress sa ngayon ung mga umutang pa para lang makapag invest sa laro. May mga kakilala akong umutang pa para makabili ng team. May mga relatives rin akong nag-invest ng around 6-digits pero sa huli, pare-parehas ring nalugi.
Iba iba tayo siguro ng perception tungkol sa axie. Para sa akin, mas stressful pa ung V2 dahil ung akala mong mananalo ka na tapos biglang mag-cricritical ung kalaban mo tapos un pa ang dahilan para matalo ka. Sa Origins kasi kung mejo matagal ka nang naglalaro, malalaman mo if mananalo ka or matatalo base sa kung ilang axies pa ang buhay, sa draw pile mo at sa dami ng cursed cards na rin. Naglalaro pa rin ako until now pampaubos lang ng oras at noong Season 0, nakapasok ako sa top 20,000 kaya nagkaroon kami ng funds pambili ng dog food

.
Ansaklap para dun sa mga nangutang pa pero totoo yan kasi meron din akong mga kakilala na ganun ang ginawa nung kasagsagan
ng Axie, dala na ng hype ng mga kakilalang kumita at talagang nakapag enjoy nuong panahon ng madali pa ang kitaan.
Ung iba nagbenta na at tumigil na talaga, nagseryoso na lang sa trabaho para makabayad sa mga nautang nila, sa ngayon wala
akong naririnig unlike dati na talagang todo ang mga post sa social media account nila.
Yung mga talagang na hype at hindi napaghandaan ang posibiiidad ng pagbagsak.