Sa totoo lang, lahat naman ata nagbenta nung nag bull run especially nung 2017-2018 kahit mga whales for sure nag benta ng mga tokens nila. Ang pagkakaiba lang hindi sila nag-all-in sa pagbenta nagtira sila ng coins nila at nagtake profit na rin. Based na rin to sa mga nakikita at nababasa ko mismo dito sa forum na galing sa mga OG miners, investors at forum members.
Mahirap na rin kasing isipin na pagsisihan natin yung mga potential profit dahil nung time na yun, nagprofit tayo ng malaki na rin tsaka sobrang risky din talaga dahil mas maraming naniniwala dati na "Crypto is a bubble" compared ngayon na halos hati na yung pros at against crypto. Isipin na lang din natin na, "Gain is gain" o "Profit is profit" malaki man o maliit.
Basta bull run, may magbebenta at magbebenta. Kahit hindi bull run nagbebenta din ako kapag may mga kailangan naman ako. Sa mga whales, sigurado yan, basta bull run nag aabang yan at nung 2017 pati na rin last year, maraming mga nabenta yang mga yan. Buy and sell lang din talaga ginagawa nila kaso nga lang, malakihan yung sa kanila.
Tama, so no need na mag-regret o magsisi kung maaga tayong nagbenta ng coins natin mapa-bitcoin o ibang crypto pa to. Ang mahalaga yung investment natin at yung pinapangpuhunan natin ay kumita kahit hindi sobrang laki. Yung iba kasi medjo nagsisi sa pagbenta nila ng coins nila kasi na kung sakaling hinold nila up until now ay sobrang laki daw sana ng profit nila. Ang mahalaga ay nag-profit ka at may nabili kang gamit o napambili mo ng pagkain pang-araw araw. Try to re-invest na lang at para kumita pa dahil normal naman yun sa crypto world.