Kaya nga eh, hindi nila masyadong naingatan yung momentum ng kasikatan nila. Ngayon parang halatado na hindi na sila masyadong kilala tulad dati na kahit hindi crypto holder o user ay user nila kasi nga dahil sa rebate nila sa loads at payment bills, ngayon wala na yang mga yan.
Kaya isa lang din yan sa dahilan ng pagbagsak nila. Masyado rin sigurong malaki yung na-allocate nila sa partnership nila sa PBA at sa Miss Universe kaso mukhang hindi naman effective sa side nila yung effect ng mga channels na yun.
Sa tingin ko lang parang simula nung pandemic sila bumagsak at mas lalong nawalang ng mga users dahil na rin siguro sa mga updates ng ibang platform like Gcash at Paymaya. During at after lang din ng pandemic dumami yung users ng Gcash at paymaya dahil available sa sya iba't ibang stores as payment method.
Much better kung yung mga partnership nila ay more on financial side din sana para kahit papano mas marami na-attract nilang users.
Nung binawi na nila yung rebates sa loading at bills payment parang yun na yung struggle nila eh. At mas lalong nag iba nung nag take over na si Wei.
Well, bahala na sila dyan kasi alam naman nila na may competition sa market at ang swerte ni Ron Hose kasi out na siya dyan at naibenta na niya bago pa lumakas yung ibang mga kakumpitensiya nilang wallet apps.