Post
Topic
Board Pilipinas
Re: NEW MARCOS ADMIN, OPEN TO DIGITAL CURRENCY
by
carlisle1
on 23/11/2022, 07:28:07 UTC
Yan din ang isang nakikita ko kabayan, yung tipong 6mos ng tapos ang eleksyon eh maraming pinoy ang di pinalad sa kanilang kandidato eh punong puno pa rin ng kapaitan hanggang ngayon, sobra kasi ang pulitika dito, nakakabad trip na minsan, yung dapat eh nagmove on na, eh wala talaga. Yung iba naman parang ang pagunlad sa buhay ay iniasa na rin sa gobyerno. tsk tsk, kaya maiisip mo na pati itong plano na digitalization marai parin ang kontra kesyo gagamitin daw sa martial law etc etc.
Umay sa pulitika sa bansa, naging pugad na ang social media ng mga trolls. Kabilaan naman yan, may sinusuportahan ako pero ganun din yung kalakaran eh. May kanya kanyang troll at sobrang toxic ng social media ngayon kay disconnect at iwas nalang sa mga ganyang bagay. Focus nalang sa mga magagandang balita na related sa pwedeng pagkakitaan at iba pang bagay na interesado tayo. Kasi nakaka-drain lang yang pagsubaybay sa sumbatan ng kabilaan, mapa-panalo o talo, laging may ka-toxican na kasama.

Sangayon ako sayo, wala ka naman mapapala dyan sa bangayan ng mga trolls, hindi naman nyan mababago buhay mo, kahit sino pang umupo
sa gobyerno asahan na natin yang mga kampihan na yan.

Dapat focus na lang sa goal na makahanap ng extrang pagkakakitaan at wag ng makisawsaw pa sa mga ganyang usapin, balik tayo sa topic,
kung ang gobyerno  ay bukas sa pag adopt dapat mas madaming knowledge sharing ang ipanukala.

Mas malalim na kaalaman mas mainam para sa mga susuporta sa digital / crypto currency.