Sangayon ako sayo, wala ka naman mapapala dyan sa bangayan ng mga trolls, hindi naman nyan mababago buhay mo, kahit sino pang umupo
sa gobyerno asahan na natin yang mga kampihan na yan.
Dapat focus na lang sa goal na makahanap ng extrang pagkakakitaan at wag ng makisawsaw pa sa mga ganyang usapin, balik tayo sa topic,
kung ang gobyerno ay bukas sa pag adopt dapat mas madaming knowledge sharing ang ipanukala.
Mas malalim na kaalaman mas mainam para sa mga susuporta sa digital / crypto currency.
Nakakaumay lang talaga kaya ako inalis ko na interes ko sa mga ganyan, sayang oras lang. At titignan ko na lang kung magiging ok ba ang sinasabi tungkol sa digital infrastructure. So far tingin ko ok naman ang nangyayari kasi ang mga telco ang unang dapat mag upgrade at based sa internet connection ko dito, tumaas siya ng sobra at pati na rin sa mga probinsiya na pinupuntahan ko, nagiging mas malakas na yung signal. Tingin ko good step yun at may nangyayari talaga kaya sunod sunod na hakbang na yan at kasama digital currency o crypto.