Post
Topic
Board Pilipinas
Re: NEW MARCOS ADMIN, OPEN TO DIGITAL CURRENCY
by
bhadz
on 12/12/2022, 21:43:13 UTC
Maliban sa kulang ang pera sa pang-araw araw na gastusin, kulang din kasi ang kaalaman ng karamihan sa mga Pilipino tungkol sa investment.  Akala kasi nila pagsinabing investment ay malakingh alaga ang kailangan at agad agad dapat.  Ang hindi kasi nila alam, kailangan din talaga pagplanuhan ang investment dahil andyan ang mga bagay na kailangan pag-isipan ng husto tulad ng time-span, needed na pondo at mga researches na kailangan para sa tinatarget na investment.

About naman sa mga pulitiko, ewan ko ba bakit ang daming taon die hard sa mga sinusuportahann ilang pulitiko to the point na hindi nila susuportahan ang kasalukuyang nakaupong administrasyon.  Actually isa iyan sa nagpapahirap ng mga task ng government, ang pagsalungat sa mga magagandang plano sa hailp na suportahan ito.

With regard naman sa pagiging open ng Admin sa Digital currency, parang di ko naman nararamdaman dahil ilang buwan na ring nakaupo ang pangulo pero wala pa ring update about sa digital currency adoption.  Iyong activity sa Boracay ay initiative ng Private company iyon.
Meron ding ideya na kapag sinabing investment, short term agad naiisip ng marami kaya kahit yung mga scam na di sila aware, tingin nila investment yun kasi nga may pangako na lalago pera nila. Pero hindi nila alam na ang mga legit na nangangako ng kita ay hindi ganun kataas, katulad ng sa mga bangko. Kapag may maliit kang pera, hindi ganun lalaki agad agad kasi yun yung maling mindset na naiisip nila kapag nag invest sila kaya madami pa rin naloloko.