Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
care2yak
on 08/03/2023, 16:39:16 UTC
I wonder if meron pa ba dito na matagal na sa crypto na gumagamit padin ng coins.ph at prefer padin ito over other platforms na nag poprovide ng same service. I want to hear your feedbacks about current coins.ph at yung current experience niyo in actively using coins.ph. About naman sa binance P2P is madali lang naman ma filter out ng scammer dun, nakikita naman natin yung completion rate nila at mas marami yung legit dun kesa sa scammers. Basta wag kang papatol sa buyer or seller dun na onti lang ang orders at sketchy yung trading price na inoofer like sobrang taas ng possible profits mo kasi malaki yung chance na scam sila.

matagal na kong di gumagamit, ever since binabaan nila yung limit ko at inakusahang may violation. pilit ko ngang iniisip kung ano ang naging violation ko. yung acct ko nagstart sa kanila nung september 2015 dahil napasali ako noon sa mmm. so syempre nag collapse yun. unti unti naman lumalawak yung kaalaman at experience natin sa crypto dahil npapasama sa maraming kapalpakan  Grin dahil after ng mmm napasali ako ng hash ocean. idagdag nyo pa yang walang kwentang tbc. haha. pero after that, wala na kong sinalihan kaya ang funds ko umiikot na lang sa mga exchange at mga non custodial wallets. so ibig sabihin, pwede ka nilang bigyan ng violation kahit nung sinauna mo pang activity!

anyway about sa p2p, nagamit ko na rin. na-scam na rin ako dahil syempre first time ko, kala ko naman legit lahat dun. pero matataas yung completion rates nila ha! di nga lang 100% pero di naman bababa ng 95% yung ibang naka-transact ko. may experience ako dun dalawang beses nangyari. gcash ang ginamit ko para mag buy ng usdt. so pagka send ko, padala ko screenshot sa chat, tapos nag notify na sa binance na nasa acct ko na yung usdt ko. pero bakit after a day, wala na. di ko pa naman nagagamit! twice yun. kaya sa isang merchant na lang ako nagstick. si Hex. kapag nasa listing sya, sa kanya na ko bumibili or nagsesell. although lately di ko sya laging nakikita.

isa lang naman ang gusto ko kay coins. yung ease ng withdrawal sa bank acct. huling nagamit ko ang coins nung 2021 pa. nakapag transact pa ko ng 200k na pinambili ko ng ozonizer unnits tska 400k then may naiwan na 54k nung umakyat lang yung eth. pero kung marami silang pending transactions ngayon, may problema na sila siguro