coins.ph user ako since May 2014 pa. Si Ron pa mismo nag activate ng account ko. Na meet ko rin siya sa noon 2014 BitcoinPH meetup sa Taguig.
Malaki tiwala ko sa coinsph dati since ginawa ko sya cold/main storage and main exchange ko. Malaki rin naitulong nya sakin noong kailangn ko mag papalit.
Pero ung KYC ung naging main issue ko sa knila.. almost every year need mag update. Ilan beses n rin ako na limit ung account kapag hindi ko maverify agad ung account.
Last Nov 2022, tuluyan ko na inalis ung mga funds/crypto ko sa kanila. Yun din ung time na first time ko gamitin ung Binance P2P.
Naabutan ko din na si Ron pa yung CEO ng coins.ph at masasabi kong naging maganda ang pag handle niya kaso nga lang ganyan talaga ang mga start ups, kapag merong bigger corporation na interested bilhin yung company mo at maganda ang io-offer, kailangan mong i-take yung opportunity at i-let go yung nasimulan mo para ipagpatuloy ng iba. Hanggang sa binenta din ng nag acquire galing kay Ron tapos hanggang kay Wei na, sobrang layo na ng nakasanayan natin na coins.ph.