Post
Topic
Board Pilipinas
Re: SIM Registration: Anong Dapat Ipag-alala?
by
Ben Barubal
on 26/03/2023, 22:40:54 UTC
Sa pagkakaalam ko kasi, matitigil lang yung pagsend ng mga link na binabanggit mo sa mga gambling site kapag natapos na ang due date or deadline submission ng mga sim card number natin,
Walang assurance na mangyayari yan. May chance pa rin na may mga spam messages na ma rereceive ang mga sim users after ng deadline. Bakit? Kase feel ko napaka easy lang ma isahan ang mga online sim registration portals. Nakapag try ako sa smart number ko and feel ko, makakayang ma fake ang mga info na ilalagay dun, since kaya ma edit and ma forged digitally ang mga requirement like selfie and ID pic lalo ngayong may mga AI na.
Sa ngayon, napansin ko na medyo nabawasan yung mga spam/scam text messages sa akin at sa madaling salita naging epektib itong sim registration act nila.
Pero yun nga lang, katulad ng sinabi mo, hindi naman basta basta matitigil yan kasi maraming sms bomber at mga apps na kahit walang sim card na gamit basta may internet connection ay puwede pa rin nila ituloy yung mga scam text messages nila. Pero kumpara sa dati, sobrang laki ng pinagbago at ang daming nabawas na mga nakakainis na mga spam/scam messages na yun. Natakot na din siguro yung mga nagpapasimuno nun pero meron pa rin siguro silang lalabas at lalabas na paraan para gawin ulit yang mga yan.

    Napansin ko rin yan, before kasi sobrang daming spam ang pumapasok yung iba tumatawag pa hindi ko lang sinasagot, pero simula nung naging batas na ito ay nabawasan na talaga. Kaya para sa akin ay maganda ang impelementasyon na ito para sa mga pinoy dito sa bansa natin.

    Kaya kapag natapos na ang deadline of submission nito ay for sure na dun magkakaalaman kung meron o wala ng mga scammer na magpapadala ng mensahe sa personal na number natin dito sa mga cellphone natin.