Saka lang gagalaw ang mga iba kapag napansin na nila na deactivated na yung Sim Card nila. Sa tingin ko, karamihan ay walang ideya na may ganitong patakaran na ang mga Telecom companies kaya kakaunti pa lang ang nagpapa-activate kaya dapat hindi na pag-aralan ang pagpapalawig ng deadline, kundi gawin na lang nila dahil kaunti pa lang ang nakakapag register.
May tanong lang ako kung sakaling may nakakaalam dito. For example ako yung sim card ko hindi ko nairegister sa deadline at nadeactivate na yung sim card ko. May chansa ba na mai-reactivate ko pa rin yun o ang tanging na lang eh bumili ng bagong sim card. Salamat sa sasagot.
Kaya kapag natapos na ang deadline of submission nito ay for sure na dun magkakaalaman kung meron o wala ng mga scammer na magpapadala ng mensahe sa personal na number natin dito sa mga cellphone natin.
Hindi lang mga scammers ang target ng batas na ito. Pati na rin yung mga random number na nagsesend ng death threats sa ibang tao. Ito yung isang halimbawa kung bakit kailangan natin itong batas na ito. Isang Youtuber na attorney ang nakatanggap ng death threats sa isang random number. Ito yung video niya:
https://www.youtube.com/watch?v=tNwkMlc5RLw