Post
Topic
Board Pilipinas
Re: SIM Registration: Anong Dapat Ipag-alala?
by
blockman
on 30/03/2023, 03:43:04 UTC
Sa ngayon, napansin ko na medyo nabawasan yung mga spam/scam text messages sa akin at sa madaling salita naging epektib itong sim registration act nila.
Actually, this effect is related sa sms filtering system na ginawa ng mga telco na ni required ng NTC although may nakakalusot pero iilan nalang. Bakit ko nalaman? Kase i'm working on sms provider for marketing, otp, etc. at ang dami ngang filtered na keywords, like .com, Gcash, BDO, ganun na pinapa add ng NTC dahil nga sa kahilanan na may mga ganyan sa mga sms ng mga scammers.

Ang sms registration main purpose naman is para ma identify kung sino-sino ang mag se'send ng mga spam or scsm messages, illegal sheyts etc. At direct or indirect effect nito ay mabawasan din ang mag send ng ganitong sms.
Ahh kaya pala. Puwede naman palang ganyan para mas maiwasan yung mga scam at spam texts na yun bakit late na nila ginawa. Pero need naman rin yung sim registration para sa kapakanan nating lahat. Salamat sa info, ganyan pala nagaganap sa ngayon pero ang puno't dulo pa rin ay yung mga scam/spam na yan.

Napansin ko rin yan, before kasi sobrang daming spam ang pumapasok yung iba tumatawag pa hindi ko lang sinasagot, pero simula nung naging batas na ito ay nabawasan na talaga. Kaya para sa akin ay maganda ang impelementasyon na ito para sa mga pinoy dito sa bansa natin.

    Kaya kapag natapos na ang deadline of submission nito ay for sure na dun magkakaalaman kung meron o wala ng mga scammer na magpapadala ng mensahe sa personal na number natin dito sa mga cellphone natin.
Sa tingin ko meron pa ring mga medium na ie-exploit nitong mga scammer at spammer na yan. Gagawa at gagawa yan ng paraan para makapang biktima pa rin pero sa ngayon, okay na itong nangyayari at ramdam naman yung kabawasan nila.

hindi naman basta basta matitigil yan kasi maraming sms bomber at mga apps na kahit walang sim card na gamit basta may internet connection ay puwede pa rin nila ituloy yung mga scam text messages nila.
May point ka pero that route would cost more.
Yun nga eh, pero expect ko nalang din na para sa kanila gagastos din yang mga yan para matuloy lang operations nila kasi sindikato yang mga yan.