Agree ba kayo sa mga ganitong klaseng raket na gumagamit ng churches para makakuha ng investment/donation?
Bilang isang Christian, Maganda sana ang ganitong klaseng ideya kung transparent ang pagdistribute ng pondo sa mga recepient ng donasyon. Pero alam naman natin kung gaano kadaming mga scam na involved ang pastor sa ating bansa kaya duda ako sa maayos na kahihinatnan ng ganitong kalakaran.
Isa pa, Ang utak sa likod ng proyekta na ito ay isang CEO ng investment company kaya sure na may hindi magandang mangyayari sa malilikom na pondo kung sakali man magsimula ito. In fairness, improving nadin sila dahil gumagamit na sila ng crypto tokens bilang medium ng investment hindi kagaya dati na typical ponzi lang kagaya ng Kapa.