Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Gcash Down? Unauthorized Transactions
by
Asuspawer09
on 09/05/2023, 14:03:02 UTC
Base sa napansin ko nung lumakas ang sugal sa online dun lumakas ang hacking ng gcash. Hindi niyo ba napapansin andaming nagsisulputang mga sugal online at ineendorse halos ng mga sikat na vlogger. Hindi naman natin sila masisi sa laki ba naman ng perang pumapasok. Pero tingin ko dahil dun since once na nagcash in ka dun masasave yung huling transaction mo. Next na cash in mo dimo na need ng otp. At mapapansin niyo ba na iba yung website ng payments ng gcash nila? Kaya kung nagcashin kayo sa mga ito siguraduhin niyong babaguhin niyo na yung MPIN niyo dahil kaya nila itong maaccess once na naging scam na sila. Mas maganda kung wag niyo nang lagyan ng pera para mas safe.

May point ka dun kabayan, maaaring isa ito sa mga dahilan sa mga cases ng hacking sa Gcash noon pa, marami kasing naglalagay or nagcoconnect ng Gcash sa mga gambling balita na rin ito noon na nahahack or napapasok na ang Gcash kapag kinonnect mo ito sa gambling website dahil humihingi ito ng OTP. Scam talaga halos lahat ng gambling website na nagkalat ngayon.

As per latest update, they have a system glitch daw.

Here is their official statement from their official Facebook page:



This has caused major concerns sa mga GCash users in terms of security. Because of this, I strongly believe na bumaba na ang confidence nila to store their funds and do transactions sa GCash.

I have checked mine recently and so far luckily as ease lang balance ko. Kaya I do not store much money sa kanila as well as Paymaya, banks, etc.

Much better sa hardware wallet na lang i store to be safe talaga ating hard earned money. Dito ko na store emergency funds ko eh just in case ma hack ako sa isang wallet, multiple wallets, etc. Ginawa ko lang naman ang GCash, Paymaya at banks as cashout source and not to save.

Buti nalang din ay walang masyadong laman ang Gcash ko 500pesos lang nung nangyari ito, pero ang hirap isipin na Glitch lang sa system nila ang nangyari, isipin mo halos lahat ng mga accounts sinend sa iisang account sa East west bank obvious na obvious na napasok or nahack ang system nila. Pero syempre hindi nila aaminin yun dahil malaki ang mawawala sa mga users nila pagnagkataon, kahit naman ngayon na hindi nila inamin ang nangyari maraming mga users ang iiwas na sa Gcash. Pero siguro ako gagamit lang ako ng gcash kapag need ko padaanin ang pera ko since isa ito sa pinakaconvinient sa way.