Base sa napansin ko nung lumakas ang sugal sa online dun lumakas ang hacking ng gcash. Hindi niyo ba napapansin andaming nagsisulputang mga sugal online at ineendorse halos ng mga sikat na vlogger. Hindi naman natin sila masisi sa laki ba naman ng perang pumapasok. Pero tingin ko dahil dun since once na nagcash in ka dun masasave yung huling transaction mo. Next na cash in mo dimo na need ng otp. At mapapansin niyo ba na iba yung website ng payments ng gcash nila? Kaya kung nagcashin kayo sa mga ito siguraduhin niyong babaguhin niyo na yung MPIN niyo dahil kaya nila itong maaccess once na naging scam na sila. Mas maganda kung wag niyo nang lagyan ng pera para mas safe.
Parehas tayo ng nasa isip sa ngayon. At vinerify ko din using other payment sites kung talaga bang same yung api na gamit nila at sa tingin ko is puro phishing talaga yung pagcacashin sa mga casino ngayon at tingin ko yun yung main reason ng pagkakahack ng milyon milyong piso sa maraming gcash user ngayon.
For example nung sa phishing link sa pag cash in punta kayo dito :
https://bitcointalk.org/index.php?topic=5452034.0nung kasagsagan ng online sabong ay hindi pa masyadong nag eendorse ang mga influencers nun kaya hindi masyadong marami ang mga nabiktima maliban na lamang talaga sa mga hilig sumugal sa mga manok, pero nung pumasok na yung mas mga cheaper na online casinos na yan dun na talaga nag boom yung mga ganitong pangyayari, at pareho din tayo konklusyon na baka dahil yan sa pagsikat ng online casino.
marami din kasi sating mga kababayan na hindi pa masyadong maalam tungkol sa mga e-wallets kaya hindi sila masyadong pamilyar sa mga phishing2x na yan, bukod pa dyan, yung iba kasi madaling maloko sa mga ganyang bagay dahil makikita nating medyo kumplikado talaga ang ganitong kalakaran at alam din naman natin na palaging huli talaga ang Pilipinas sa usapang teknolohiya.