Agree kabayan, mukhang bakasyon na Lakers nito dahil wala pa namang team sa NBA ang nakakaahon sa 0-3 deficit at matanda na si Lebron ngayon, si AD lang yong inaasahan nila sa ilalim eh at nakahanap siya ng katapat ngayon kay Jokic na magaling gumawa ng tira kahit gaano pa kagaling ang bantay.
Masiyadong malabo na makabalik pa Lakers sa series. Puwedeng manalo sila bukas tapos maging 3-1 pero baka hanggang dun nalang yan tapos sa Nuggets na ulit.
Yung iba tinanggap na Nuggets saka Heat na maghaharap sa finals. Kala mo scripted sa sobrang ganda ng standing ng parehas na team na yan, deserve nila magharap sa finals at gumawa ng history naman para sa Nuggets.
Grabe tinapos na nga ng Nuggets ansagwa lang para dun sa mga umasang sugalero na makakasilat pa ang Lakers para mapahaba sana yung tayaan pero wala talagang tinodo na ng Nuggets para mapaaga yung pagpapahinga nila. Sguradong andaming iyak sa mga tumudo na para sana makabawi dun sa mga unang silat nila.
Ngayon ang aabangan naman eh yung laban ng Boston at Miami tignan natin kung gagawa pa ng paraan ang Boston na mapahaba or madagdagan man lang yung laro sa series nila.