Mukhang madami nanamang pumaldo sa laban na yan. Kala ko tatapusin na ng Heat, hindi pa pala. Ang masaklap diyan baka umabot pa sa game 7 katulad ng sinasabi ng iba. Pero, mukhang malabo na din aabot sa game 7 yan. Tignan natin, sabi nga nila bilog ang bola pero mas maliit lang naman ang chance ng Celtics na masweep ang Heat hanggang game 7 pero posible kahit na katiting lang na chance yun.
Mahirap isipin na manalo yong Celtics laban sa Heat apat na sunod-sunod pero posibli yan dahil hindi naman sila maging number1 sa standings kung hindi sila malakas, kontra sa Lakers, yong Celtics ang mas may chance na makagawa ng history, bouncing back from a 0-3 hole hehe pero sa Heat pa rin ako pupusta dahil tingin ko sa mga laro nila ay hindi kayang i-contain ng Celtics si Butler ng one-on-one kaya kung mananalo man ang Celtics dito ay malaki ang chance na dikit yon kaya malaking bagay na yong handicap.
Sana lang ay maglalaro si Gabe Vincent para may backup si Lowry.
Heat +7.5 @2.02 vs Celtics, tumaas na pala kanina yong odds, bakit kaya.
Mas madami pa ring nakita kong be-bet sa Heat bukas. Tingin ng madami na nakaisa lang ang Celtics at hindi na mauulit yun. Sobrang nakakasabik lang din na makita itong series na to' na matapos na para haharap na sa Nuggets. Ang a-underrated ng mga players ng Heat kaya biglang dami yung pumabor sa kanila lalo na paglabas nung stats ng ESPN tungkol sa kanila. Maiba ko nga lang, merong Nikola Jokic sa Nuggets, meron namang Nikola Jovic sa Heat. Haha.