Mas madami pa ring nakita kong be-bet sa Heat bukas. Tingin ng madami na nakaisa lang ang Celtics at hindi na mauulit yun. Sobrang nakakasabik lang din na makita itong series na to' na matapos na para haharap na sa Nuggets. Ang a-underrated ng mga players ng Heat kaya biglang dami yung pumabor sa kanila lalo na paglabas nung stats ng ESPN tungkol sa kanila. Maiba ko nga lang, merong Nikola Jokic sa Nuggets, meron namang Nikola Jovic sa Heat. Haha.
Talo tayo kanina, hindi pala pinalaro ng Heat si Gabe Vincent para siguro hindi maargabyado yong injury niya kaya hindi nila pinilit. Sobrang na-miss ng Heat yong mga tira ni Vincent sa assist na galing kay Butler at ang ganda ng ginawa nilang depensa kay Butler, naka-4 points lang ata sya sa first half at 14 points lang sa boung laro.
Baka ganyan ang pineprepare nilang style ng game play nila para sa linggo sa game 6. Mas okay na mapreserve nila mga key players para sa siguradong panalo.
Nasa Heat na ang pressure ngayon, kailangan na nilang ipanalo yong laro sa game6 sa kanilang homecourt dahil pag natalo sila sa game6 ay malaki ang chance na maging totoo yong stats na pinalabas ng ESPN

.
Wala sila magagawa sa sitwasyon kanina, bigay man o hindi, ang ganda ng laruan ng Celtics at delikado kapag ganyan ulit laro nila sa linggo.