Isa sa mga natutunan ko ay ang pagdevelop ng ating kakayahan o skills dahil isa ito sa pinakaimportante na dapat nating madevelop, sabi nga nila ay knowledge is power. Sa pagdevelop ng ating kakayahan ay malaki ang maitutulong neto sa ating buhay pinansyal. Sa panahon ngayon ay kung wala kang sapat na skills ay hindi ka mahihire sa isang trabaho. Alam naman naten na nakabase sa experience at skills ang ating mga salary sa ating trabaho. At isa sa pinakasafe na investment na magagawa ng ating mga kababayan kung gusto natin kumita ng mabilis at safe na pera ay maghanap tayo ng trabaho.
Kaya sobrang daming mga courses at mga online seminars ang makikita natin kung mag scroll lang tayo sa Facebook alone. Ang pag improve ng skill ang isa sa pinakamagandang pagkakakitaan ngayon. Dahil dito sa bansa natin na limited lang ang opportunity, sa mga skilled naman mas maraming opportunity na dumadating na kahit nandito ka lang sa Pinas, madami kang maa-applyan at mas malaki ang chance mo na makatanggap ng job offer o di kaya ay mag apply ng WFH jobs kasi nga isa yan sa ima-market mo bilang service.
Ang skills ang pinaka maibebenta natin pag nag hahanap tayo ng trabaho. Kahit nga hindi ka nakapag tapos ng pag aaral eh posible ka makahanap ng high paying job. Nakita naman natin ang social media na punong puno ng rags to riches stories na yung skills lang nila yung ginamit nila para makita kung nasaan sila ngayon. Sinasabayan pa nila ng business and investment which is necessary if may funds ka na at gusto mo tuloy tuloy ang pag unlad mo. Marami naman course online na kahit nasa bahay kalang is magagawa mo matutunan yun, marami na ring investment guides online. Halos lahat ay matututunan mo if may pag sisikap at determinasyon ka matutunan ang gusto mong path sa buhay.