Post
Topic
Board Pilipinas
Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
by
Fredomago
on 26/06/2023, 12:17:45 UTC
Walang napuntahan yung kahigipitan ni coins.ph, tumingin tingin ako sa FB page nila. Ibang iba na, kasi dati ang dami laging reactions, engagement at likes pero ngayon parang bawat comment ay complain nalang. Ok lang sana yung kahigpitan nila kung nasa ayos lang at hindi masyadong nakakasakal, pero yun nga ang akala nila. Pati matatagal na users nila hindi na na-impress sa mga pinaggagawa nila.

Meron na rin silang maintaining balance ngayon, mala bank na ang approach nila.  Kapag ang balance natin sa kanila ay less than the minimum ay magcharge sila ng maintenance fee.  Siguro humina na ng husto talaga ang kita nila, para siguro makabawi kahit paano kaya inimplement nila ang maintening balance requirement.   Malaki ang makakamkam ng coins.ph dito dahil iyong mga member na maliit lang ang funds at naabutan ng paghihigpit ay hindi na magbibigay oras para magpakyc pa sa knila.
Kaya nga may maintaining balance tapos sisingilin pa ata kapag inactive na. Tama ka na baka yang ginawa nilang policy para lang masimot yung mga nakalimutan ding mga wallet na may mga dust amounts. Hindi ko alam kung ramdam ba talaga nila yung pag decline ng users nila dahil sa mga walang kwenta at makabagong policy nila o baka hindi nila ramdam kasi di nila gusto maramdaman. Puro complain nga lang makikita mo sa page nila kapag try mo visit mga posts nila. Hindi na sing saya tulad ng dati.

Parang mas gusto ko na lang paniwalaan ung ayaw nilang maramdaman sa sobrang dami nung nagcomplain about sa napaka daming ulit ng KYC kahit old timer ka pa uulit ulitin mo yung KYC, siguro ung may mga naipit na maliit na halaga tanggap na nila na wala na silang magagawa pa tapos nag implement pa ng maintaining balance so talagang magbibigay yun ng karapatan sa coins.ph na simutin yung pera mo sa wallet nila.

Di bale maging masaya na lang din tayo kasi gaya ng nakaopen na topic meron talagang mga banko / financial institutions na willing at yumayakap na sa crypto.