Post
Topic
Board Pilipinas
Re: 6 Crypto Friendly banks sa Pinas
by
NeilLostBitCoin
on 30/06/2023, 19:22:47 UTC
Mas maganda na ngayon na may Gcash at Maya, ang coins.ph sa ngayon parang napag iiwanan na. Hindi sila masyadong nagdevelop habang kasikatan nila.

Sobrang higpit naman kasi ng coins.ph.  Parang ang tingin nila sa lahat ng client nila ay mga money launderer daming hinihinging requirements tapos annually pa ang reverification.  Sa tindi ng higpit nila sa tingin ko ang daming nagsipag talunan sa iba't ibang company na may same services.
Walang napuntahan yung kahigipitan ni coins.ph, tumingin tingin ako sa FB page nila. Ibang iba na, kasi dati ang dami laging reactions, engagement at likes pero ngayon parang bawat comment ay complain nalang. Ok lang sana yung kahigpitan nila kung nasa ayos lang at hindi masyadong nakakasakal, pero yun nga ang akala nila. Pati matatagal na users nila hindi na na-impress sa mga pinaggagawa nila.

Meron na rin silang maintaining balance ngayon, mala bank na ang approach nila.  Kapag ang balance natin sa kanila ay less than the minimum ay magcharge sila ng maintenance fee.  Siguro humina na ng husto talaga ang kita nila, para siguro makabawi kahit paano kaya inimplement nila ang maintening balance requirement.   Malaki ang makakamkam ng coins.ph dito dahil iyong mga member na maliit lang ang funds at naabutan ng paghihigpit ay hindi na magbibigay oras para magpakyc pa sa knila.


Grabe nga kabayan, naalala ko nag open ako ulit ng coins.ph na app ko tapos need ko ulit i-verify from the start e LEVEL 3 na yun matagal na, tapos valid ID naman pinakita ko tapos biglang di tinanggap maski face recognition ayaw. Dati coins lang meron tayo ngayon wala na nauungusan na sila ng Maya saka Gcash, di ko na rin gusto yung UI nila medyo parang siniksik yung mga elements. Kaya ngayon mas prefer ko UB saka Maya mas convenient para sa akin.