Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paano Ka Ba Manghikayat o Mag educate Sa Mga Kababayan Natin
by
bhadz
on 18/07/2023, 08:56:57 UTC
Well anyway, ako kasi walang dahilan para hikayatin ko silang maginvest sa Bitcoin, alam mo naman ang karamihang mga pinoy kapag hinikayat mo sila sa mga bagay-bagay lalo na involve ang pera ay pwede kapang pag-isipan ng hindi maganda, tapos may iba pa na palalabasin pa nila na mas may alam pa sila kesa sayo gayong narinig lang  nila ang Bitcoin pero yung lalim hindi naman talaga nila alam.
Hindi lang yan, kapag na scam o di kumita yung investment, ikaw ang sisihin kasi ikaw nanghikayat sa kanila. Kaya kapag sa mga ganitong bagay, kapag alam mo yung risk mas maganda na ikaw nalang ang mag take at baka masisi ka pa nila.

Mas maganda na yung sila na yung makatuklas na maganda ang Bitcoin future nito, dahil karamihang mga pinoy mas kakagatin nila yung puno ng panghahype na ginagawa sa kanila ng mga pinoy na crypto experts daw para mamuhunan sila sa mga crypto na inaalok sa kanila.
Makikita lang nila at madidiscover yan kapag nakita na nilang kumita yung ibang tao. At ang kasamaan pa niyan, kapag bull run sila bibili at sa mismong peak pa.