Ganyan ang pagkakaexplain ko dati sa mga kaibigan ko kaso nga lang parang nakakainis na pinagtawanan lang ako at tinawag pang scammer. Pero hindi directly na sinabing scammer ako kundi yung bitcoin ay isang scam. Wala naman akong ibang pinagsabihan kundi yung mga specific na tao na yun tapos may circle of friends din sila na ganyan ang sinabi na, sabi nila scam ang bitcoin. Kaya parang nainis ako nun syempre ako lang naman nagsabi sa kanila at nag explain ano ang bitcoin tapos makikita ko nalang na ganun pala ang pinag uusapan nila.
ok lang yan kabayan hindi talaga maaalis ang pagdududa ng ilan nating kababayan pagdating sa bitcoin, dahil involve dito ang pera maiisip nila na scam agad. Pero ang mahalaga naman dito ay nashare natin sa kanila ang bitcoin at nasa sa kanila na lang kung maniniwala sila o hindi.
Nashare na natin at wala na tayong magagawa kung maiiwan sila kapag pumalo ulit pataas. Ilang beses ko na din nasabi to sa ibang kaibigan ko na naniniwala kaso nga lang mahirap ang buhay ngayon at wala silang nakalaan na budget para dito. Kaya nanghihinayang din sila kapag nakikita nilang mababa ang presyo ng BTC kasi wala silang pambili pati kapag tumaas na ang price kasi na miss nila ang opportunity.