Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paano Ka Ba Manghikayat o Mag educate Sa Mga Kababayan Natin
by
carlisle1
on 26/07/2023, 18:13:08 UTC
Ganyan ang pagkakaexplain ko dati sa mga kaibigan ko kaso nga lang parang nakakainis na pinagtawanan lang ako at tinawag pang scammer. Pero hindi directly na sinabing scammer ako kundi yung bitcoin ay isang scam. Wala naman akong ibang pinagsabihan kundi yung mga specific na tao na yun tapos may circle of friends din sila na ganyan ang sinabi na, sabi nila scam ang bitcoin. Kaya parang nainis ako nun syempre ako lang naman nagsabi sa kanila at nag explain ano ang bitcoin tapos makikita ko nalang na ganun pala ang pinag uusapan nila.
ok lang yan kabayan hindi talaga maaalis ang pagdududa ng ilan nating kababayan pagdating sa bitcoin, dahil involve dito ang pera maiisip nila na scam agad. Pero ang mahalaga naman dito ay nashare natin sa kanila ang bitcoin at nasa sa kanila na lang kung maniniwala sila o hindi.
Nashare na natin at wala na tayong magagawa kung maiiwan sila kapag pumalo ulit pataas. Ilang beses ko na din nasabi to sa ibang kaibigan ko na naniniwala kaso nga lang mahirap ang buhay ngayon at wala silang nakalaan na budget para dito. Kaya nanghihinayang din sila kapag nakikita nilang mababa ang presyo ng BTC kasi wala silang pambili pati kapag tumaas na ang price kasi na miss nila ang opportunity.

Mahirap talaga mag kombinse ng mga tao lalo na pag wala silang alam sa mga bagay nato. Kaya di nalang talaga ako nanghihikayat ng mga tao since ayaw ko din mapasama lalo na talamak ang crypto scams at baka mabansagan pako na scammer at sinusubukan ko silang e scam. Kaya sila na ang bahalang matuto kung interesado sila at kung magtanong man sila ukol sa crypto ay sasagutin ko nalang mga katanungan nila.

Ayaw ko mag first move dahil di natin hawak ang isipan ng mga tao at normal na sa kanila at baka mapaaway pa tayo.

Saklap din kasi nung ganun paratang, ung sa side mo gusto mo makatulong or gusto mo silang matuto din kasi nga medyo meron
kang kinikita galing sa crypto.

Tapos pag nagshare ka at medyo nagkamali ng timing yung tinuturuan mo eh ikaw pa yung masisi, kaya ako lagi ko na lang sinasabi
kung talagang interesado sila madaming way para matutunan ung crypto.

Kung may time sila aralin para talagang mas malalim yung alam nila at maiwas din sila sa mga scammers,.