Dahil malapit na nga ang halving hindi na nakakapagtaka na marami ang may prediction na next year ay bullrun na. Sa tingin ko naman may posibilidad pa na tumaas ang presyo sa $40k bago matapos ang taon since nasa second quarter pa lang naman tayo. Pero marami pang pwede mangyari na maaaring makaapekto sa price ng Bitcoin. Kaya dapat maging handa tayo mapa negative/positive man ang epekto sa market.
malamang na hindi natin ma reach ang 40k this year pero siguradong sa susunod na taon at least mid or before 3rd quarter eh lulutang na ang epekto ng halving.
Wala naman problema kung next year pa ma reach ang $40k target o pagkatapos ng halving (as expected ng marami sa atin). Basta long term investor ka at hindi naiinip na makitang tumaas ang presyo. Ang iba kasi kapag bumaba ang price ng Bitcoin pinanghihinaan ng loob dahil baka mas bumaba pa at malugi sila. Hindi ito problema sa old investors dahil sanay na sa pag galaw ng market, pero sa mga newbies nakaka discourage ang sitwasyon na ito. Lalo pa at hindi sila naglaan ng panahon para pag aralan muna ang tungkol sa Bitcoin.
Alam naman natin na temporary lang din ito though hindi natin accurately ma pe-predict ang future price o kung kelan ang bullrun darating.