Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Inflation sa Pilipinas - Kamusta ang mga kabayan natin dito sa forum
by
dothebeats
on 10/08/2023, 15:33:11 UTC
Kakabalik ko lang last week dito sa forum pagtapos ng maraming taon. Maraming pinagdaan pero tuloy pa din sa laban ng buhay. Gusto ko lang sana kamustahin ang mga kababayan natin dito at itanong ano ang nararamdaman nila sa mabilis na pagtaas ng mga bilihin ngayon.

Naku kabayan, tumaas na ang lahat buti nalang at hindi tumaas ang mga sahod natin hehe, joke.



Yun talaga ambilis tumaas ng presyo pero yung sahod ga un parin kaya sino ba ang hindi maghihirap da ganyang set up. Mabuti sana kung tataas ang sahod pero wala eh di din siguro kaya ng employer na gawin ito since malulugi din sila.

Mahirap din ma kontrol yan ng gobyerno since kung pipilitin nila ang ilang kompanya na gawin ang pagtaas ng sahod ay malamang madaming matatanggal sa trabaho. Gaya ngayon sa lugar namin sobrang daming kompanya ang nag sara at lumipat sa ibang bansa since cheap ang labor cost at operating cost dun at kung siguro magagawan yan ng paraan ng gobyerno lalo na ang pag control sa pagtaas ng kuryente at gas siguro dyan makokontrol ang inflation sa bansa natin at magiging nyra na ang mga bilihin.

Ayun nga yung problema, kahit na pilitin na mag taas ng sahod na iuutos ng gobyerno mag tatanggal naman ng mga empleyado para hindi malugi ang mga kumpanya pagkatapos ay madadagdagan pa ang mga gawain. Kahit saan mo tignan na paraan ay parang tayong mga nag tatrabaho ang mahihirapan. Mataas na bilihin, mababang sweldo, madaming gawain, at pati na rin ang mga work requirements sobrang taas na rin ng standards.