Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Stay Lowkey lang tayo
by
chrisculanag
on 11/08/2023, 19:26:01 UTC
Hindi na kailangan ipagyabang pa ang ating kayamanan , sapat na yung maganda na ang buhay natin na may matiwasay na pamumuhay. Ang problema lang sa ating mga pinoy ay may pagkahambog imbes na maging humble ay ginagawa pang ikalat sa social medias ang lahat ng kanilang ari-arian na dahilan ng kanilang kapahamakan. Okay lang mag share ng mga paraan para kumita ng pera , huwag lang yung milyones na hawak.
Sinabi mo pa, pero choice nila yan kung gusto nila iflex ang kayamanan nila sa social media. Tayo naman, alam naman natin ang pagiging lowkey lalo kung matagal ka na sa market at may mga holdings kang inaantay na tumaas balang araw.
Tama ka , hayaan na lamang sila. Buhay naman nila yan basta tayo hanap lang ng mga maganda ipanglongterm na coins para kahit papaano ay may maipon at yumaman balang araw. Lowkey is the key lang , makisama lang ng simple yun lang sapat na.
Mangyayari yan balang araw basta hold hold lang at maging pasensyoso at makakamit natin yang totoong flex para sa sarili natin na mai-treat at makatulong tayo sa pamilya natin.

Sana nga kabayan , gustong gusto ko talagang maipasyal man lang yung pamilya ng magkakasama . Sa ngayon malayo sa kanila at nagttrabaho dito sa Cagayan para may pangsuporta sa kanila habang sumasideline sa crypto.

Isa na  rin itong papaalala na dapat simple lang tayo sa buhay pwera lang kung gwardyado ka. Na kahit ipagyabang pa yan sa buong mundo ay ayos lang dahil may seguridad naman yung buhay.
Worried lang ako sa mga mahilig mag flex tapos lahat ng lakad nila parang pinupubliko nila. Yung tipong paalis palang tapos ipopost nila kung saan sila pupunta. Paano nalang kung may masamang loob na nagbabalak pala sa kanila?
Kaya nga , hindi nila iniisip yung kaligtasan nila kapagpinagplanuhan sila ng masasamang tao ay bali wala yung kayamanan nila . Sabagay maraming views malaki ang kita . Kapag maraming pera marami manonood. Kaya mas magandang maging simple lang tayo yung parang wala lang pero may ibubuga pala.
Agree ako diyan, simpleng papamuhay lang ok na at hindi na kailangan pa isa publiko ang mga bagay bagay na ginagawa natin. Pero yung iba kasi, yan na ang hanap buhay kaya kahit ano lang na mashare, gagawin nila.
Sabagay dun naman sila kikita , kaya gagawin talaga nila lahat ng paraan for the views. Pero sa atin lamang ay kaligtasan ng kapwa natin nasa industriya ng crypto , kaya kung yumaman man talaga tayo at swertehin ay lagi natin ilagay sa utak ang pagiging simpleng tao. Mas mainam kung magbahagi tayo ng magagandang paraan sa pag-asenso.