Ok din naman ang ganyan pero kapag meron naman gusto matuto at pinipilit ka. Malalaman mo naman yung mga willing matuto at nasa sayo na din yun kung tuturuan mo sila o di kaya kung iiwan mo nalang at sila na ang bahala. Bigyan mo nalang ng mga resources para magbasa basa.
Ang mahirap lang sa iba, ayaw mag basa kaya mas gusto nila merong magtuturo sa kanila dahil ang rason nila, mas madali daw matuto kapag may nagtuturo.
Kaya dapat sila talaga mag first move kung gusto nipa matuto dahil kung sila ang atat tas satin maghihintay kung ano gagawin nila ay tiyak di tatagal mga taong ganyan since panandaliang kitaan habol nila at ayaw nila magpagod para matuto pa ng mas malalim ukol dito sa crypto.
Sa dami na nating mga nakaexperience at nakausap tungkol sa ganitong kalakaran, malalaman mo lang talaga kung sino yung gustong matuto at gustong kumita ng mabilisan. Hindi nila alam na kapag aaralin nila, mas kikita sila ng matagalan kaya kapag hindi pa rin sila seryoso at hindi sila magta-tiyaga, huwag nalang silang umasa na isa sila sa kikita.