Samantalang kapag inuna ang benefits ay magkakaroon ng interest ang tao, kahit pa sabihan natin ito ng mga risk na sasabayan naman ng mga solusyon na makakapag nullify nito ay hindi mawawala ang pagkainteresado ng tao.
Well, sa tingin ko depende din yan sa taong papaliwanagan. Kasi minsan kahit sabihin natin ang benefits at yung risk (at kung paano ito masolusyunan o maiwasan) kung hindi naman interesado ang isang tao eh balewala lang rin. Dahil hindi sya open para mag invest sa Bitcoin or mas lamang sa kanya yung mga negative na nabasa o narinig sa balita dahil na rin sa pag gamit sa Bitcoin as tool para makapang scam.
Kaya ako mas pinipili ko yung nagpapakita ng interes at may kusa magtanong. Mahirap kasi ipilit at baka masisi pa incase yung expectation nila eh hindi nangyari.
Medyo delikado din na yung emphasis sa benefits ang mangyayare kasi usually ang mga tao (lalo na yung malaki yung pangangailangan) once marinig yung benefits na makukuha nila halos hindi na makinig sa mga susunod na sasabihin mo (which are usually the cons and risks) kaya naman minsan ikaw pa yung masisisi pag yung benefits na nasabi mo sakanila hindi nila nakuha. Kaya mas maganda talaga na yung explanation naka outline like eto yung benefit number one pero eto rin yung consequence and risk na pwede mangyare na naka align dun.