Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Gandang kaganapan ukol sa usaping crypto sa bansa natin
by
bhadz
on 18/08/2023, 23:55:30 UTC
Sa mga may background na, puwedeng direkta yan na yung kunin nila. Pero kung yung tipong walang alam sa tech tapos first time lang makita yan, mahihirapan magdecide lalo na sa mga magulang para sa mga anak nila. Baka kapag hindi pumatok yan gawin nalang nilang course yan para sa Open University. Mas maganda yung ganyan kasi di na sila maninibago sa phasing ng F2F, hybrid at full online classes.
Kung sabagay may punto ka dahil masyadong malalim ang blockchain at hindi siya madaling intindihin mas mainas na gawin tàlaga ng Face to face . Dahil mas makakafocus ang estudyante ng maayos at madali lang mapag-aralan lalo na kung may actual na pagkilos kung paano ito gumagana. Siguro sa ngayon malabo pa siyang makahatak ng mga magulang dahil mas pipiliin nila yung mga alam nilang kurso na mas makikilala yung mga anak nila.
Sana malaman din natin ang stats ng enrolment rate ng course na yan kung ise-share ng AMA. Pero siguro baka hindi lalo na kapag konti lang ang enrollees. Sa learning phase naman, may mga learners naman na madali lang makapick up mapa online o F2F man. At ang lagi nating naririnig sa mga bata at magulang, mas madali ang learning kapag merong interaction harap harapan kaya tama ka na mas madali ang pag-aaral kung face to face. Para naman sa mga busy o di kaya working students, mas madali ang online sa kanila.