Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Gandang kaganapan ukol sa usaping crypto sa bansa natin
by
chrisculanag
on 19/08/2023, 17:02:51 UTC
Sana malaman din natin ang stats ng enrolment rate ng course na yan kung ise-share ng AMA. Pero siguro baka hindi lalo na kapag konti lang ang enrollees. Sa learning phase naman, may mga learners naman na madali lang makapick up mapa online o F2F man. At ang lagi nating naririnig sa mga bata at magulang, mas madali ang learning kapag merong interaction harap harapan kaya tama ka na mas madali ang pag-aaral kung face to face. Para naman sa mga busy o di kaya working students, mas madali ang online sa kanila.
Ayun nga ang maganda kung maishare nila ang status rate , malay natin maganda resulta diba.  Totoo naman na may mga magagaling sa online courses yan yung mga techie na mahihilig sa mga magsuri ng mga isang bagay pero dun sa mga wala pang gaanong nalalaman sa teknolohiya mairerekomenda talaga dapat ng AMA ay Face to face. Dahil diyan maaactual ang turo at magkakaroon ng experiences ang isang nais matuto. Tama ka na may mga abala na tao at ang online na pagtuturo ang dapat sa kanila. Gawin na lang ni AMA ay magkaroon ng for online at face to face na pagtuturo para may pagpipilian ang gustong pumasok sa ganitong teknolohiya.
Magpapasukan naman na ulit at sana lang kung puwede nila ishare ang stats nila, maganda na open sa public. Pero kung tingin nila sensitive ang data na yun at hindi nila puwede i-share ok lang. Kung magkakaroon yan ng fast phase learning module baka i-take ko basta hindi ganun ka-pricey. Maganda ding pangdagdag lang sa resume ang maiisip ng marami sa ganyan pero para sa akin, dagdag knowledge lang din at yung essence ng pag-aaral ang gusto ko maranasan ulit pero hindi na sa 4-year track nila. Hehe.
Yun nga , nasa kanila na lang talaga kung gagawin nilang open sa public. Pero kung data status lang naman ng mga bilang ng nagtake ng kurso ay okay lang.

Maganda yan para sa mga gusto ng mabilisang na pagsusuri , dahil busy na tayo masyado ay bagay na bagay ang fast phase para sa atin. Sabi mo nga extra knowledge na maidadagdag pa sa ating mga resume. Baka presyo ng fast phase nila ay mataas dahil mas pinabilis nila yung pagtuturo pero kung natural lang na ay mainam din dahil mas maaadopt natin ng maayos dahil may mga taong mabagal makakuha ng kaalaman at kailangan pang ituro ng maayos. Pagpatuloy mo lang yung gusto mo basta alam mong makakabuti , tuloy lang.