Ginagamit ng mga manloloko ang crypto kaya hindi na maiiwasan na i-reason yan ng mga awtoridad na kung itong raid nila ay gumagawa ng money laundering bukod sa pangi-scam nila.
Totoo naman na ganyan na ang istilo ng mga panloloko ngayon at labis itong nakakabahala sa publiko dahil karamihan sa mga ito ay nagooperate na sa ating bansa. Masama lang nito ay nagiging pugad na tayo ng mga mapangloko na gaya nito kaya bumababa ang reputasyon natin mga gumagamit ng cryptocurrency sa mga tao.
Yan ang nakakalungkot, nagagamit ang bansa natin sa kanilang pangs-scam dahil nga hindi mahigpit ang bansa natin pagdating sa pagpasok nitong mga ibang national na may mga scam operations.
Kulang talaga sa pangil lalong lalo na sa airport pagpapasok sila, pero kapag mga kababayan natin ang lalabas ng bansa, sobrang daming offload. Kaya dapat sa pagpasok palang, kapag may madetect silang mga may record na sa bansa kung saan sila galing, huwag na dapat papasukin ng Pinas.