Doon sa tatag ng loob, yan ang isa sa mga natutunan ko sa pag stay dito sa market na ito. Kapag mahina ang loob mo at umaaray ka sa kokonting losses, paano pa kaya yung isang bagsakang dip at halos maiyak ka na ang lagi ng losses mo.
Ganito lang talaga sa market na ito, no pain no gain ika nga at yung volatility ng market na ito ay high risk at high reward. Kaya mamili ka kung ano ang masakit sayo pero tatagan mo lang loob mo, kapag mahina ang damdamin, huwag nalang pumasok sa crypto.
No pain, no gain talaga sa industriya na ito kaya fit na fit talaga ito sa risky people lalo na sa mga teenage dahil malakas loob nila sumugal at magsunog na pera para sa 100x gains pag naka tsamba sa isang tokens or coins.
Ang daming mga kababayan nating mga kabataan na natuto din sa crypto market. Sa kalakasan noong Axie hanggang sa bumaba at naunawaan nila na ganyan pala ang crypto market at sobrang hyper ng pagiging volatile nito. Dahil sa mga kabataan na yan, malaki pa ang chances nila sa future at okay lang mag fail pero hindi naman lahat ay nagfa-fail dahil mas marami ang kumita at naging successful hanggang sa narealize nila na ganito pala kasakit itong market na ito.
Pero kung sa seasoned na sa laraan nito mas mautak na at utak talaga pinapairal hindi damdamin lalo na sa larangan ng trade.
Kumbaga endured ka na sa sakit na makikita mo lalo na kung bagsak ang market dahil sanay ka na. Wala ng pakiramdam sa mga oras na bagsak ang market kasi naunawaan mo na na normal lang yan at babawi din naman pagkatapos ng dip.