Ang daming mga kababayan nating mga kabataan na natuto din sa crypto market. Sa kalakasan noong Axie hanggang sa bumaba at naunawaan nila na ganyan pala ang crypto market at sobrang hyper ng pagiging volatile nito. Dahil sa mga kabataan na yan, malaki pa ang chances nila sa future at okay lang mag fail pero hindi naman lahat ay nagfa-fail dahil mas marami ang kumita at naging successful hanggang sa narealize nila na ganito pala kasakit itong market na ito.
Totoo ito. Madaming kabataan ang naattract sa Axie at dun na nga yung naging simula para sa ilan sakanila na pasukin at aralin ang sistema ng crypto. Madami silang natutunan sa time na maingay pa ang Axie hanggang sa nadiscover nila kung gano ka volatile sa market industry na ito, yung iba sumuko at feeling pa nila na scam sila while may iilan na nag research at ngayon ay Bitcoin holders na.
Marami nang sumuko dahil puro talo lang pero doon sa mga medyo pinalad na kumita at nakita yung pagtaas at pagbagsak ng Axie. Doon na sila nagkaideya na ganito pala galawan sa crypto. High risk, high reward ika nga ng marami at yung opportunity ay nandun naman mapa-investor ka man, gamer, trader o observer lang. Kaya sa mga nagtry at naglakas ng loob, yun yung mas maraming nalaman at napag iwanan na nila yung kasabayan nilang nag aaral palang sa market. Habang yung mga nalugi, natalo at umayaw na, saka lang yan babalik kapag hype na ulit yung market at nakikita nila na tumaas na prices ng halos ng lahat ng crypto. Kaya ang ending sa kanila, panghihinayang at sasabihin na dapat tumuloy pala sila at pinag aralan pa lalo.