Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Huwag manghula lang pagdating sa crypto
by
bhadz
on 21/09/2023, 19:37:50 UTC
Marami nang sumuko dahil puro talo lang pero doon sa mga medyo pinalad na kumita at nakita yung pagtaas at pagbagsak ng Axie. Doon na sila nagkaideya na ganito pala galawan sa crypto. High risk, high reward ika nga ng marami at yung opportunity ay nandun naman mapa-investor ka man, gamer, trader o observer lang. Kaya sa mga nagtry at naglakas ng loob, yun yung mas maraming nalaman at napag iwanan na nila yung kasabayan nilang nag aaral palang sa market. Habang yung mga nalugi, natalo at umayaw na, saka lang yan babalik kapag hype na ulit yung market at nakikita nila na tumaas na prices ng halos ng lahat ng crypto. Kaya ang ending sa kanila, panghihinayang at sasabihin na dapat tumuloy pala sila at pinag aralan pa lalo.

Sabagay, kasi talagang pag nalulugi ang palaging bukang bibig eh scam or walang mapapala kaya dapat tigilan na lang tapos pag bumalik at nag hype ulit dun nanaman sila magpapasukan tapos manghihinayang sa nasayang na panahon.

Iba-iba talaga yung pagkakaunawa ng bawat tao, meron talagang mausisa at talagang gagawin ang lahat para matuto at hindi
lang basta basta manghuhula or aasa sa kaalaman ng iba.

Meron naman na parang sugal ang ginagawa, pasok pag nasunog aray at lalayas na at hindi na ulit magbabakasakali.
Kumbaga sanayan lang yan. Kapag kaya ang risk at afford yung puwedeng matalo, okay lang at may mga pinoy talagang okay lang sa risk taking kahit gaano pa yan kalaki. Meron namang sobrang sensitibo na kahit iilang daan na talo, parang masakit na sa damdamin kasi nga pinaghirapang pera nila yun at mahirap ang buhay ngayon. Iba iba lang talaga tayo ng style at pagtingin sa ginagawa at pinapasok natin. Yun nga lang, balance pa rin talaga. Kung sino ang mas malaki ang tinake na risk, siya rin naman ang may pinakamalaking gain pag nagkataon. At yung play safe naman, play safe lang din yung potential na kikitain nila. Yung mga susubok lang tapos pag talo ay aayaw na, hanggang dun nalang sila at mapagiiwanan pero hindi din natin sila masisisi kasi nga iba iba tayo ng take sa ganito karisky na market.