Utol ko matagal din nag Mine ng bitcoin and then nag convert sa altcoins back in the years , but now stopped already for couple of years now dahil medyo madugo talaga ang halaga ng kuryente sa pinas.
Ako nagpaplano lang din mag mine pero kapag inestimate ko kung magkano mapupunta sa expense sa kuryente parang hindi siya worth it. Parang ang laking bagay ng mining dati na maging source of income na kahit na sabihin mong ang laking puhunan ang kailangan. Ngayon parang biglang namatay yung sa mining of alts community dahil sa paglipat ng eth mula pow(mining) sa pagiging proof of stake. Siguro kung meron pa ring nagmamine ngayon na taga forum, sasabihin naman at sa karamihan na nakikita kong malalaking mining communities parang kokonti nalang din sa social media nakikita kong active.
baka naman meron pa kabayan , hindi naman kasi lahat ng cryptonian ay nasa bitcointalk, pero tama ka kung taga forum sila eh malamang nag share na dito unless they are not active for now kaya di nila mapansin tong thread.
lalo na yong may mga Mining materials pa din , baka sumusugal nalang sila sa mga cheaper coins hoping that one day eh puputok at mababawi nila ang expenses nila.
pero kung ako? baka di na muna siguro ako susugal , kasi andami na din naman form para mag accumulate ng crypto now , so i think dun nalang ako mag focus , hindi na din naman ganon kahirap mag partake sa ibang areas ng accumulation .
Wala na akong nakikitang nag post ng mining rig nila kahit saan at pati rin yung kakilala ko huling balita ko sa kanya binenta nya na mining rig nya since di talaga kaya dahil sa napaka mahal ng kuryente sa pilipinas. Siguro meron parin kunti pero tingin ko nalang di na din sila magtatagal knowing mahina na talaga ang kitaan dito. Bumababa narin presyo ng GPU at ito ang palatandaan na wala na kunti nalang talaga ang demand. Sana no makagawa ng paraan ang gobyerno na pababain ang generation cost sa bansa natin siguro makakakita pa tayo ng healthy discussion about crypto mining.
Ang alam ko merong thread dito sa local natin about mining, limot ko na yung username nya at di ko alam kung active pa sya rito. Napahanga ako nun dahil sa kanyang motivation at perseverance sa interes at kagustuhan sa kanyang ginagawa. Nag research din ako tungkol sa mining pero hindi ko na ipinagpatuloy dahil alam kong wala akong kakayahan at hindi para sakin ang ganyang niche at siguro dahil na rin sa nabasa kong hindi advisable na mag mina dito sa atin. Pero posible naman basta kaya mong masustain lalo na ang budget, hardware requirements and maintenance.
Since nailibing na yung thread na yun at di na siguro na update ng OP malamang isa narin sya sa nag benta ng hardware nya mahirap din kasi e maintain lalo na kung nag mimina ka ng walang bumabalik sayo na kita.