Post
Topic
Board Pilipinas
Re: PhilHealth under siege: US$300,000 ransom set by Medusa ransomware group
by
angrybirdy
on 30/09/2023, 12:56:38 UTC


Kahit na mayroon pa silang maraming pondo, hindi pa rin sila magbabayad. Maaring mayroong 'inside job' siguro, posible 'yan, ngunit hindi na ito nakakagulat dahil alam naman nating nasangkot na ang PhilHealth sa korupsyon noong mga nakaraang panahon. Sa aking kaalaman, walang nakulong na mga doktor at empleyado na inaakusahan. Tungkol sa seguridad, baka sa papel lang ito nakalagay na ligtas, pero sa totoong buhay, malamang na maging vulnerable ito. Alam mo na, baka ang budget ay na-korupsyon na rin.
Base sa naging aksyon nila wala talaga silang balak magbayad. Bukod sa walang kasiguraduhan na hindi talaga ikakalat ang mga personal information na nakuha nila, sobrang laking halaga ng hinihingi nila na imposibleng mailabas ng Philhealth. Pwedeng inside job o isa sa mga empleyado na naka work from home pinag-ugatan (base sa binalita sa tv) at dun nagsimulang mapasok ang system.

Hinihintay ko yung balita na may senador na magpapatawag ng senate inquiry kung ano ba talaga ang nangyari kasi yung mga roadrage napapatawag in aide of legislation bakit naman hindi itong nangyari sa Philhealth baka mayroon sila magawang in aid of legislation o kaya ay masabon itong mga taga Philhealth dahil sa defieciency ng security, kasi hindi pa ito matatapos ang usaping ito  hangang hindi nila na iionline ang Philhealth.

Bawat araw na shutdown ang site malaking abala ito sa mga transaction na sobrang bumagal dahil sa hacking na nangyari baka dapat mag mga ulong gumulong dahil sa nangyaring ito.

Ang tagal nga umaksyon ng senado tungkol dito, dapat agad agad binigyan na agad ng senado ng time allocation para dinggin ang nangyaring hacking.  Dapat lang talaga na may managot dito sa nangyaring ito, sana lang hindi escape goat ang managot kasi kawawa naman sila kung hindi iyong mismong responsabile.
Hindi natin malaman ang pinaka dahilan bakit wala padin silang ginagawang aksyon o hearing sa senado. Pagkatapos kasi maibalita ito sa tv, wala na naging kasunod sa balita. Nagkaroon lang ng mga updates online pero hindi na binigyan ng oras para maibalita sa tv. Napakalaking epekto nito lalo personal info ng maraming tao kaya dapat talaga managot ang may kasalanan.