Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Naipublish na nga ang data ng philhealth ng mga hacker
by
bitterguy28
on 18/10/2023, 06:11:01 UTC
Guys another hacking incident na naman ang napanuod ko sa balita. Pati ang website ng kamara or yung website ng house of representatives ay na hack na rin. Mukhang iniisa-isa na i-hack ang mga government facilities ng bansa natin na nagpapakita laman kung gaano ka-bulok yung Cybersecurity when it comes to government.

Check this link tiktok link from DZBB
Ito na yung nakakahiyang part na iniisa isa ng mga hackers itong mga website ng gobyerno natin. Mapa-script kiddies man yan, literal na hackers o hacktivists. Wala na dapat pang maraming salita itong mga nasa kapangyarihan kundi ayusin nalang kung anong sinisira nila. Kasi sa paraan na ginagawa nila, doon lang napapakita na mahina talaga ang cyber defense ng gobyerno natin kasi hindi binibigyan ng halaga. At baka mas madami pa tayong makitang mga government websites ang i-deface at itake down nitong mga hackers.

  Anu na ngyayari sa ahensya ng mga gobyerno natin, sobrang nakakahiya at pinamumukha lang ng mga hackers na ito kung gaano kapalpak yung mga opisyales na nakaupo sa mga ahensyang inaatake nila. Tapos ngayon, congress, sobrang nakakadisapoint sa totoo lang.

  Ibig sabihin, walang kwenta ang lahat ng congress natin, ang alam lang ay mangulikbat ng mga pondo na pinaghirapan ng taong bayan na galing sa ating mga taxes, sobrang palpak ng cybercrime division natin. Hindi manlang nila maipakita na innovated at upgraded ang ating system na meron sa gobyerno.
Mukhang hindi lang naman congress ang bulok mate eh parang lumalabas ang lahat ng ahensya ay ganon na kahina ang seguridad wondering na baka sa susunod na mga araw eh pati Pambansang Sandatahang ay ma hack na din , nangyari na ito sa pentagon noon  considering kung gaano kahigpit ang US government sa kanilang security details , ano pa kaya ang sa Pinas?
imagine kakatapos lang i Hack ang ating Health department isinunod na agad ang congress , ano kasunod office of the president?
parang ansarap na magpalit ng details kung ganito nalang kawalang higpit ang ating mga pagkakakilanlan sa mga ahensyang ito.