Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Naipublish na nga ang data ng philhealth ng mga hacker
by
carlisle1
on 18/10/2023, 13:58:31 UTC
Guys another hacking incident na naman ang napanuod ko sa balita. Pati ang website ng kamara or yung website ng house of representatives ay na hack na rin. Mukhang iniisa-isa na i-hack ang mga government facilities ng bansa natin na nagpapakita laman kung gaano ka-bulok yung Cybersecurity when it comes to government.

Check this link tiktok link from DZBB
Ito na yung nakakahiyang part na iniisa isa ng mga hackers itong mga website ng gobyerno natin. Mapa-script kiddies man yan, literal na hackers o hacktivists. Wala na dapat pang maraming salita itong mga nasa kapangyarihan kundi ayusin nalang kung anong sinisira nila. Kasi sa paraan na ginagawa nila, doon lang napapakita na mahina talaga ang cyber defense ng gobyerno natin kasi hindi binibigyan ng halaga. At baka mas madami pa tayong makitang mga government websites ang i-deface at itake down nitong mga hackers.

Ganun kahina yung cybersecurity ng bansa natin, kasi dapat after madale ng isa dapat nakapag focus na agad ang mga ahensyang nakatalaga
sa cybersecurity na maaring mangyari ang mga kasunod pang atake.

Sa ginawang hacking ng mga taong nasa likod nitong atake pinakita lang nila kung gaano kainutil at kahina ang isip ng nagpapatakbo ng mga ahensya
ng bansa natin.

dapat tutukan na ng national media yan hindi yung mga issue ng budget sa kung saan saan kundi yung budget para sa siguridad ng datos nating
mga mamayan.