Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Naipublish na nga ang data ng philhealth ng mga hacker
by
blockman
on 23/10/2023, 20:58:33 UTC
Ito talaga ang mga gawain nila kapag may nailabas na mga pinakatatagong impormasyon. Maglalabas ng fake news para may pantapal at madaling kalimutan ng tao ang issue. Magkakaroon nga naman ng bagong pag-uusapan ang mga tao tapos malilipat ang atensyon nila doon at madaling makakalimutan ang mga nakaraang issue.
Naalala ko tuloy yung nabasa ko na noong pabagsak na yung Rome, madami silang circus na ginagawa para panligaw sa mga tao. Ganitong ganito nangyayari sa atin sa mga issue na nagaganap, totoo yan na pinangtatapal nila mga ibang walang kwentang balita para malimutan yung mga mahahalagang balita na meron tayo.

Itong confidential fund na ito ang daming bumabatikos online tapos malalaman natin bawat Kongresista at Senador pala ay may ganitong expense. Dito mo talaga malalaman na nagsisilbi lamang sila para sa sarili nilang intensyon.
"Extra ordinary fund" Parang yan din yung confidential pero version nila na hindi mababatikos dahil hindi naman daw pangalan na confidential. Ang daming pera ng gobyerno at sana man lang makatikim ng cyber defense yung mga websites at data natin sa pamamagitan ng mga pondong yan hindi puro pagpapataba lang ginagawa nitong mga senador, congreso at iba't ibang ahensya ng gobyerno natin.