Ilang linggo ko din tong sinubaybayan. Hindi ako nag invest pero may mga kakilala ako na nilaro yang P2E na yan at naka ROI naman. Kawawa lang yung mga huling pumasok na late nainvite, ang dami ko nakikitang group sa social media na tuloy padin sa pag refer ng new players, kesyo 900 lang daw ang investment at naka roi in 10 days.
Depende pa din sa mga pinoy kung patuloy sila magririsk kung may dumating na mga bagong P2E, alam naman natin na karamihan sa mga pinoy ay mahilig sa easy money at kung makakita lang sila ng naka earn kahit bago pa yan, madami na agad ang mag uunahan pasukin kahit ano basta mapagkakakitaan.
Buti na rin lang talaga at nakatingin lang ako sa gidli. Kako too good to be true yan, dami na naginvite sa kin, ibig sabihin kalat na siya. At ayon na nga after 2 weeks takbo na ang mga loko. Dami naman umiiyak nito. Pero ganun talaga sa crypto kung hindi ka maingat at magpapasilaw sa laki ng balik ala talaga ubos o sunog lagi talaga ang capital mo. Napapaisip na nga ako kung anong narrative nitong susunod na bullrun.. una ICO, then Gaming, ngayon kaya ano ang susunod?
Minsan instinct din ang magliligtas satin dba kabayan? katulad ng ginawa mo andaming nag iinvite sayo pero pinili mong manahimik at balewalain ? samantalang kumikita na din ang mga friend mo sa laro na yan yet na deny mo ang call para makisali.
ako naman merong isang nagsend sakin ng link , HS classmate ko and nung sinilip ko eh ganon din nakita ko , too good to be true while may mga kumikita na dahil medyo matagal na din yong game , swerte na din kasi masyado akong busy nung mga nakaraang buwan kaya di ko binigyan ng kahit konting halaga to, pero kung nataong medyo maluwag oras ko at wala ako ginagawa? siguro nilaro ko din yto pero hindi ako mag iinvest kasi wala talaga ako tiwala sa mga investment for games.