Ibig sabihin ay hindi natutulog sa pansitan ang mga kawani ng PCSO. Talaga lang na dapat ay mapahinto at mahuli ang pasimuno ng mga illegal na pasugalan dito sa Pinas dahil hindi sila patas. Pero sana eh lalahatin ng taga PCSO hindi yung mga small timers lang meron dyan mga big time na POGO na nagdudulot ng hindi magandang resulta sa lipunan tulad ng kidnapping.
Though magandang moves ito para mabawasan yung mga sisira sa imahe ng blockchain technology. Pero teka, decentralized yung lottery games? Di ko magets bakit blockchain company? Tumatakbo ba ang company nila through blockchain?
Talagang hindi sila magpapawalang bahala sa ganyan lalo't nababawas yung possible na kikitain nila dahil lumilipat sa mga hindi authorized or illegal na gambling platform. Gusto man aksyonan ng PCSO yung mga POGO dito sa bansa pero mahihirapan sila dahil halos or karamihan sa malalaking POGO ay backed ng malalaking kompanya or nang gobyerno kaya hindi sila basta basta maaataki.
Yan ang masakit na katotohanan, na yung iba ay protektado ng mga ibang mga officials na nasa gobyerno kaya hindi basta-basta maatake talaga. Hindi na ata talaga mawawala ang ganyang sistema sa gobyerno natin. Ang medyo nakakainis lang ginamit na naman ng mga mapagsamantalang taong ito ang blockchain kaya naman ang mga mainstream media ay ginamitan na naman ito ng masamang dating sa mga tao dito sa bansa natin.
Tandaan lamang natin na kahit wala pa ang blockchain technology ay ngyayari na ang ganyang mga ilegal activity sa category na yan sa totoo lang noon pa man hanggang ngayon, nataon lang na nadagdag ang blockhcain na gamitin ng mga mga mapagsamantalang tao.
Tama ka dyan kabayan kinulayan yung blockchain para magkaroon ng masamang impresyon pero ang totoo kahit wala pa yung blockchain yung mga ganitong sistema eh nag eexist na, nakakapika lang basahin kasi yung dapat tutukan eh yung mga illegal na pagpapatakbo pero nadamay yung sistema kung saan pinatakbo, eh kahit naman san patakbuhin yung sistema eh yung illegal na gawain dapat ang pag pukusan para masugpo.
Sa halip na tanggalin yung ugat ang inaalis lang yung bunga, pero yung pinaka-naging rason kung bakit nagpapatuloy parin ang pagsibol ng ganyan ay hindi nila inaalis, bakit kaya? Dahil may nakikinabang. Yung nakakaalam nakita na nya, kaya lang ayaw nyang bunutin yung ugat, though hinayaan nyan maalis ang mga sanga at mga bunga para nga naman hindi halata.
Dahil iniisip ng mga protektor na maikling panahon lang ay makakarecover ulit sila. Basta ang importante sa kanila ay makakabawi sila ulit sa huli, minsan kasi naiisip, baka yang mga nang raid or yung nasa highest position ng raid na yan ay pwedeng nakausap nya yung pinaka protektor talaga at sinabi lang siguro na iraid nila ito for exposure lang para isipin na my ginagawa sila then after that pwede na ulit magpatuloy ang ganyang mga ilegal na bagay. ito ay sa palagay ko lang naman ah.