Talagang hindi sila magpapawalang bahala sa ganyan lalo't nababawas yung possible na kikitain nila dahil lumilipat sa mga hindi authorized or illegal na gambling platform. Gusto man aksyonan ng PCSO yung mga POGO dito sa bansa pero mahihirapan sila dahil halos or karamihan sa malalaking POGO ay backed ng malalaking kompanya or nang gobyerno kaya hindi sila basta basta maaataki.
Yan ang masakit na katotohanan, na yung iba ay protektado ng mga ibang mga officials na nasa gobyerno kaya hindi basta-basta maatake talaga. Hindi na ata talaga mawawala ang ganyang sistema sa gobyerno natin. Ang medyo nakakainis lang ginamit na naman ng mga mapagsamantalang taong ito ang blockchain kaya naman ang mga mainstream media ay ginamitan na naman ito ng masamang dating sa mga tao dito sa bansa natin.
Tandaan lamang natin na kahit wala pa ang blockchain technology ay ngyayari na ang ganyang mga ilegal activity sa category na yan sa totoo lang noon pa man hanggang ngayon, nataon lang na nadagdag ang blockhcain na gamitin ng mga mga mapagsamantalang tao.
Tama ka dyan kabayan kinulayan yung blockchain para magkaroon ng masamang impresyon pero ang totoo kahit wala pa yung blockchain yung mga ganitong sistema eh nag eexist na, nakakapika lang basahin kasi yung dapat tutukan eh yung mga illegal na pagpapatakbo pero nadamay yung sistema kung saan pinatakbo, eh kahit naman san patakbuhin yung sistema eh yung illegal na gawain dapat ang pag pukusan para masugpo.