Post
Topic
Board Pilipinas
Re: PCSO Idinemanda Ang Isang Blockchain Company
by
Fredomago
on 21/11/2023, 11:09:18 UTC
Yun lang din ang medyo masakit sa loob nating mga crypto enthusiast, tayo itong nagsusumikap na maestablish ang ganda ng blockchain technology at ng cryptocurrency tapos napakadali lang sirain ng mga mapagsamantalang tao sa ganitong klaseng uri ng gawain. Tinatake-advantage din kasi nila yung pagkakataon na magamit ang blockhain sa ilegal purposes dahil tulad nga ng sinabi mo sa flexibility.

Ganun talaga, dahil din sa decentralization kaya ginagamit ito ng mga masasamang mga tao, dahil alam nilang sila lang talaga ang makakahawak ng kanilang address na pagpapasukan ng pera na ipapasok naman sa crypto o Bitcoin.
Ganun talaga, wala tayong magagawa para pigilan sila. Ang priority lang nila ang mga sarili nila, kung ano ang masisirang image sa publiko ay wala silang pakialam hanggat nakikinabang sila. Mabuti na lamang rin mas nakikilala na at marami na ang may kaalaman patungkol sa cryptocurrency kaya kahit may ganitong mga balita ay hindi agad nasisira ang image lalo na ang Bitcoin.

Yung mga nakakaintindi naman na malamang hindi naman na sila maapektuhan, alam naman kasi nila na parang uri lang din ng pera yan ginagamit pareho sa mabuti at masama, pero yung pera mismo hindi yun masama. Hahaha gulo ko ata pero tama naman kasi wala tayong magagawa dun sa mga unggoy na illegal na nagpalakad ng lotto nila tapos pinadaan sa blockchain, so sa mga hindi nakakaintindi diretso sisi sa bitcoin or ikokonekta talaga nila para lang may panirang masabi.