Post
Topic
Board Pilipinas
Re: PCSO Idinemanda Ang Isang Blockchain Company
by
bettercrypto
on 18/11/2023, 07:55:17 UTC
Talagang hindi sila magpapawalang bahala sa ganyan lalo't nababawas yung possible na kikitain nila dahil lumilipat sa mga hindi authorized or illegal na gambling platform. Gusto man aksyonan ng PCSO yung mga POGO dito sa bansa pero mahihirapan sila dahil halos or karamihan sa malalaking POGO ay backed ng malalaking kompanya or nang gobyerno kaya hindi sila basta basta maaataki.
Yan ang masakit na katotohanan, na yung iba ay protektado ng mga ibang mga officials na nasa gobyerno kaya hindi basta-basta maatake talaga.  Hindi na ata talaga mawawala ang ganyang sistema sa gobyerno natin. Ang medyo nakakainis lang ginamit na naman ng mga mapagsamantalang taong ito ang blockchain kaya naman ang mga mainstream media ay ginamitan na naman ito ng masamang dating sa mga tao dito sa bansa natin.

Tandaan lamang natin na kahit wala pa ang blockchain technology ay ngyayari na ang ganyang mga ilegal activity sa category na yan sa totoo lang noon pa man hanggang ngayon, nataon lang na nadagdag ang blockhcain na gamitin ng mga mga mapagsamantalang tao.
Tama ka dyan kabayan kinulayan yung blockchain para magkaroon ng masamang impresyon pero ang totoo kahit wala pa yung blockchain yung mga ganitong sistema eh nag eexist na, nakakapika lang basahin kasi yung dapat tutukan eh yung mga illegal na pagpapatakbo pero nadamay yung sistema kung saan pinatakbo, eh kahit naman san patakbuhin yung sistema eh yung illegal na gawain dapat ang pag pukusan para masugpo.
Wala naman tayo magagawa sa ganyan dahil in some sense tama rin sila dahil nagamit ang blockchain sa illegal na paraan kaya ito na-highlight sa ganitong balita. Idagdag pa natin yung mga illegal na gawain tulad ng mga pang-scam ng mga tao pati na rin yung intentional na pagdump ng market ng mga coin devs. Common issues naman na talaga ng blockchain at cryptocurrency yung ganyan since flexible naman kasi yung usecase nito at possible na magamit sa negatibo. Pero still as long as may magagandang at positibong balita sa mga cryptocurrency ay matatabunan nito yung mga bad side ng crypto.
Madali kasi para sa mga masasamang loob na samantalahin ang paggamit ng blockchain dahil nakikita nila ang mga potential nito. Gaya nga ng sabi mo, flexible ang usecase kaya nakakaisip sila ng iba't ibang paraan para magamit ito para sa personal nilang layunin. Hindi naman na normal yung ganitong gawain, nakalungkot lang dahil mas madalas pang umingay ang balita sa crypto kapag ganitong topic ang nababalita. Kaya ito na din ang tingin ng karamihan na walang ideya sa crypto.

Yun lang din ang medyo masakit sa loob nating mga crypto enthusiast, tayo itong nagsusumikap na maestablish ang ganda ng blockchain technology at ng cryptocurrency tapos napakadali lang sirain ng mga mapagsamantalang tao sa ganitong klaseng uri ng gawain. Tinatake-advantage din kasi nila yung pagkakataon na magamit ang blockhain sa ilegal purposes dahil tulad nga ng sinabi mo sa flexibility.

Ganun talaga, dahil din sa decentralization kaya ginagamit ito ng mga masasamang mga tao, dahil alam nilang sila lang talaga ang makakahawak ng kanilang address na pagpapasukan ng pera na ipapasok naman sa crypto o Bitcoin.