Kaya nga kabayan, siguro nahalata din ng hacker na binabluff lang siya at malamang pinagtatawanan nya lang din ito sa aking palagay lang din naman. Kung yung mga hacker sa panahon ito ay mas inaupgrade nila ang kanilang mga sarili sa paghack ng isang platform na gusto nilang pasukin ay dapat lang din naman na pag-ibayuhin din natin na iupgrade ang mga ganitong klase ng mga isyu sa hacking isyu.
Iupgrade ang dapat iupgrade para kung anuman ang gawin ng mga hacker ay madali silang masusupil, na kung saan ay hindi na kailangan pang idaan sa bluffing kundi kung matrace na agad kung nasaan ito ay hulihin na agad at saka na ibalita kapag nahuli na yung hacker.
Actually, isa sa mga napansin ko ngayon, karamihan sa mga company dito sa bansa natin, hindi ganoon kaayos yung system securities and teams nila dahil kung talagang nasecured ng maayos ang lahat ng dapat ingatan, hindi yan mapapasok ng mga hackers kahit gaano pa sila kagagaling. naisip ko lang, since karamihan sa mga hackers ay talagang matatalino at sure naman ako na mga nakapag aral ang iilan doon, bakit hindi nalang sila Ihire at offeran ng malaking basic salary? Usually ang offer sa mga IT dito sa bansa, umaabot nadin naman ng 6 digits, pero sa kabilang banda baka hindi din pumayag ang mga hacker sa ganong offer kasi mas malaki nga naman ang makukuha nila sa paggawa ng mga illegal na bagay kaysa sa pag tatrabaho.
Sa lahat kahit sa gobyerno talagang wala kang aasahan pagdating sa system securities. Kahit na may pondo sila para mag upgrade for the security ng lahat ng client at sambayanang pilipino, hindi sila naglalaan ng panahon at tamang budget para doon. Ang tanging nasa isip lamang nila ay hanggat walang nangyayaring problema, ok na sila sa current securtiy.