Di naman talaga yan expert kundi influencer lang. Noong narinig ko interview niyan na sinabi niya na may 100% winning rate daw at para lang daw yan talaga sa kakilala niya, tingin ko yan yun. Na-scam sila at alam naman natin na kapag trading ay walang 100% kaya mas mainam pang magsarili ka nalang maghold ng sarili mong holdings at wala kang maagrabyado. Mahirap magtiwala sa mga ganyan tapos yang mga kasama niya ay mga viewers lang niya din na nahikayat maginvest. Posible nga na baka siya din may pakana niyan tapos nagplay victim lang siya, hindi natin alam kung ano at paano ba talaga pinaggagawa ng mga yan. Mas malaki kasi kitaan nila sa panggogoyo ng kapwa kaya huwag masyado maengganyo sa mga pasosyal at mga figures na pinagsasabi ng mga yan.
Sa palagay ko kaya nya sinasabi iyan ay dahil para maenganyo ang mga taong mag-invest sa kanila or para makuha ang paghanga ng mga tao at later on ang tiwala at simpatya. Sa pagkakasabi pa lang niyang 100% winning rate alam na agad natin kung nagsisinungaling siya o hindi. Di ko talaga maalis sa isip ko na isa siya sa naging dahilan kung bakit maraming na scam dahil nga tulad ng sinabi nung isang kasama nya, follower siya ni Marvin kaya napainvest din siya nung napanood niya iyong scammer dun sa channel nung Marvin.
Kaya nga, sinungaling at wala namang ganyan sa kahit anong trade sa mga volatile markets kahit sa stock market pa. Tapos sinasabi niya na ang isasama niya lang daw ay yung mga totoong kilala niya na masisipag at deserve din daw umahon kasabay nila. Sa ganung salitaan palang ay halata mo na may kakaiba sa sinasabi niya at mae-engganyo ka. Yan naman kasi talaga tactic ng mga yan tapos nagkaroon pa yan ng exposure kay Boss Toyo tungkol sa P8M na gusto niyang bilhin yung holy grail daw na Francis M merchs.