Original archived Aside from crypto ano pa pinagkakaabalahan nyo?
Scraped on 13/02/2024, 01:17:16 UTC
*Ang topic na ito ay naipost ko na dun sa kabilang forum kaya ipost ko na din dito para malaman ang kani-kaniyang mga opinion ng mga kababayan natin dito sa ating local board.
Aside sa crypto isa din akong volunteer law enforcer. (di ko na lang po ispecific for privacy reason)
•Kung may iba kang pinagkakaabalahan kaya mo naman pagsabayin?
Since full time ako sa crypto at sinasabay ko ang pagvolunteer sa ngayon, hindi naman ito naging istorbo o naging sanhi ng pagkakaroon ng kumplikasyon sa parehong activity. Kayang-kaya naman imanage kahit na may hinahabol ako na signature quota pero nung nakaraan pressure sya masyado kasi sobrang taas ng required quota dun sa kabilang forum kaya ako lumipat sa mas mababang quota.
•Sapat ba para sayo at sa pamilya mo ang kitaan mo sa mga pinagkakaabalahan mo?
Para sa akin since binata pa naman ako ay sapat at sobra na sa akin yung kinikita ko dito at sa isang work ko as volunteer kahit may kaliitan lang yung incentives ko dun. Iniipon ko lang lahat ng mga nagenerate kong income lalo na sahod ko online pang long term investment ko sya since Bitcoin paying naman ang sig campaigns tapos yung honorarium ko naman doon ko binabawas mga expenses ng mga needs ko since priority ko sya kesa wants.
•Future proof na ba ang iyong income at napundar mula sa iyong source of income? Or may balak kapa na magdiversify into the future proof assets?
Sa tingin ko ay hindi pa future proof ang income at napundar ko lalo na mula sa source ko na crypto pero meron na din naman akong piece of residential at agricultural land na nainherit ko which is matatawag naman nating future proof investment kaya goods na rin. Balak ko din pala na mag-invest sa precious metals in the future depende na lang kung magkaroon ng extra money. About my crypto holdings naman future proof sya kaso paunti-unti lang sya.
•Sa tingin mo ba ay tama ang nagiging desisyon mo sa iyong napili na trabaho o investments or napipilitan ka lang for some reason?